PMNP INFORMATION SYSTEM | HOUSEHOLD CONVERGENCE SCORECARD (HCSC)
Kasalukuyang isinasagawa ang isang Special Technical Session on PMNP Information System | Household Convergence Scorecard na dinaluhan ng mga Barangay Nutrition Scholar at piling mga Barangay Health Worker at Child Development Worker bilang mga Community Volunteer Workers (CVW) at ng mga Nurses at Midwives bilang mga Supervisors.
Layunin ng sesyong ito na maipaliwanag nang mas malalim ang mga pangunahing aspeto ng PMNP (Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project) Information System—mula sa tamang encoding ng datos, pag-uulat, hanggang sa pagsusuri ng impormasyon—upang masiguro ang mas efficient, transparent, at data-driven na pamamahala ng mga programa.
Nagbigay ng teknikal na pagsasanay at gabay ang mga kinatawan mula sa PMNP Regional Project Management Office upang matulungan ang mga CVW at Supervisors sa aktwal na aplikasyon ng sistema.