Back to News & Articles

Monday, April 11, 2022

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘-𝐁𝐀𝐒𝐄𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 (𝐂𝐁𝐌𝐒) 𝐂𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 || 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, PSA Provincial Statistical Office Representative, OIC-LGOO Fiona Cariza C. Daniel-Arce, MPDC Remelyn P. Oliveros, mga miyembro at kinatawan na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng lokal na pamahalaan upang talakayin ang 2022 CBMS Implementation.

Layunin ng proyektong ito na matugunan ang pangangailangan ng pamayanan, ang isa sa mga aktibidades ng CBMS ay ang pagsasagawa ng survey, magproseso at pagsusuri ng mahahalagang impormasyon sa komunidad na magsisilbing batayan sa pagawa ng mga proyekto at polisiya ng pamayanan.