𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑅𝐻𝑈 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛
Sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, ngayong araw isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang may edad lima (5) hanggang labing-isang (11) taong gulang laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jeremiah Carlo Alejo naging maayos naman ang pagbabakuna at wala namang naitalang nagkaroon ng allergy o ano mang ibang naramdaman sa isang-daan at sampu (110) na batang nabakunahan.
Lubos pong nagpapasalamat ang ating RHU, MIATF at ating LGU sa patuloy pong pagtitiwala sa ating mga serbisyong pangkalusugan.
