Setyembre 4, 2025 (Huwebes)
Pormal na naisagawa ang MOA Signing sa pagitan ng DA-SAAD at Livestock Farmers Association, kasabay ng aktuwal na pagkakaloob ng limang (5) kalabaw sa mismong araw na iyon.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang Pambayang Agrikultor upang magbigay suporta at maging saksi sa mahalagang kaganapan. Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay suporta sa mga magsasaka, palakasin ang kanilang produksyon, at itaguyod ang mas maunlad at progresibong kabuhayan.
MARAMING SALAMAT PO!

